NAGA CITY – “Blessing in disguise” umano para kay Sen. Bam Aquino ang naging resulta ng katatapos lamang na 2019 midterm elections.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga sa senador, sinabi nito na mabibigyan niya na rin ng panahon ang kanyang pamilya lalo pa ngayon na dalawa na ang kanyang anak.

Wala na rin daw balak ang opisyal na tumakbo muli sa susunod na halalan at mas pipiliin na mamahinga sa pulitika.

Sa kabila nito, tiniyak naman ng senador na magpapatuloy pa rin ang kanyang serbisyo para sa mga nasa laylayan.

Sa ngayon pagsusumikapan umano ni Aquino na makapasa pa ng mga batas sa pagtatapos ng 17th Congress.

Magugunitang nagtapos lamang sa ika-14 sa senatorial race sa botong 14.1 million kung saan isa sa may pinakamaraming botong nakuha nito ay mula sa Bicol Region.