Opisyal nang nanumpa si Senator-elect Bam Aquino sa kaniyang hometown sa probinsiya ng Tarlac ngayong araw ng Biyernes, Mayo 30.
Pinangasiwaan ni Conception Mayor Noel Villanueva ang panunumpa ni Aquino sa isinagawang seremoniya sa Conception Municipal Government Center.
Present din sa panunumpa ni Aquino sina Tarlac 1st District Rep. Jaime Cojuangco at 3rd District Rep. Bong Rivera.
Ipinaliwanag ni Sen.-elect Aquino na wala siyang ibang maisip na magandang lugar para gawin ang kaniyang panunumpa sa pwesto maliban sa Conception, Tarlac.
Inalala din niya na noong kanilang panahon sa Senado, tinatawag sila bilang ‘gentleman from Tarlac’ na isa aniyang karangalan at nais niya itong maibalik.
Matatandaan na dati na ring nagsilbing Senador si Bam sa isang termino mula 2013 hanggang 2019.
Sa 2025 midterm elections, pumangalawa si Aquino na nakakuha ng pinakamataas na boto sa pagka-Senador.
Nakatakdang opisyal na umupo sa pwesto si Aquino kasabay ng mga nanalo sa nakalipas na halalan sa Hunyo 30.