CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi man diretsahang sinagot ng pulisya ang dahilan nang biglaang pagkamatay ng kontrobersiyal na umano’y nasa likod ng grupong Kuratong Baleleng Gang na si dating Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog subalit lumutang ang impormasyon na nakaranas ito ng cardiac arrest.
Ito ay habang pansamantala na iniligay sa mini-cell ng Ozamiz City Police Station mula sa biyahe nito sa Metro Manila para babasahan sana ng kanyang mga kaso sa korte ng lungsod nitong araw.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Maj Jonathan Astillero, hepe ng Police Community Relations ng Misamis Occidental PNP na bagamat wala pang opisyal na medical statement ang attending physician na nagbigay atensiyon kay Parojinog nang dinala sa ospital subalit pinaniwalaan na inatake ito sa sakit ng puso.
Inihayag ni Astillero na ito ang dahilan agad tumungo ang mga personahe ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) Region 10 sa selda na pinagkulungan ng akusado para makakuha ng anumang ebedensiya na magagamit nila sa kanilang scientific investigation.
Una nang inihayag ni Police Regional Office Region 10 (PRO-10) Spokesperson Lt. Col. Mardi Hortillosa na hinihintay nila ang resulta ng imbestigasyon dahil kung lalabas na mayroong foul play sa kamatayon ni Parojinog ay papasok na rin ng Crimina Investigation and Detection Group (CIDG) para sa malaliman na imbestigasyon.
Si Ardot ay pansamantalang ikinulong sa Metro Manila dahil sa pagiging high profile na unang naaresto habang nagtatago sa bansang Taiwan noong Mayo 2019.
Kapatid rin ito ni late late Ozamiz City Mayor Reynaldo “Aldong” Parojinog Sr na unang ipinatrabaho ni sa grupo ni dating Ozamiz City Police Station commander Lt. Col. Jovie Espenido dahil sa akusasyon na sangkot ng malawakang illegal drug trade sa bansa noong Hulyo 30, 2017.