CAGAYAN DE ORO CITY – Bagamat makukulangan ang military know how at trainings ng mga sundalong Pinoy dahil pinutol na ang ugnayan ng Pilipinas at Amerika na napapaloob sa Visiting Forces Agreement (VFA,subalit wala umano itong masyadong malaking epekto sa anti-insurgency campaign laban sa CPP-NPA .
Ito ang sariling pananaw ni 4th ID,Philippine Army commanding officer Maj Gen Franco Nemesio Gacal ng opisyal nang nilagdaan ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr ang VFA termination notice para tuluyang kumalas ang Pilipinas sa military trainings mula sa mga sundalo ng Amerika.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Gacal na hindi naman nakatulong ang VFA kung pag-uusapan ang anti-insurgency operation ng Pilipinas laban sa mga komunista.
Ito ay sapagkat malinaw na hindi maaring makisali ang mga sundalong Amerikano at maging pagpapahiram ng kanilang mga kagamitan upang puksain ang mga kota ng mga rebelde.
Dagdag ng heneral na sariling pagsisikap lamang ng gobyerno ang pakikipaglaban sa rebelde kaya itinuring nito na hindi masyado makaapekto sa anti -communist campaign sa bansa.