Hindi pa masabi sa ngayon ng Philippine National Police (PNP) na ang pagkakatanggal ng police power kay Tanauan City Mayor Antonio Halili ang dahilan kung bakit nabaril-patay ang alkalde.
Ayon kay PNP chief Oscar Albayalde, maaga pa para masabi na dahil sa pagkakatanggal sa kanila ng police power ay nakakuha ng pagkakataon ang mga suspek na barilin si Halili.
Paliwanag ni Albayalde, hindi naman ibig sabihin na tinanggalan si Halili ng police power ay hindi na ginagampanan ng PNP ang kanilang mandato na protektahan ang publiko laban sa mga masasamang loob.
Giit ni Albayalde, desisyon ng Department of Interior and Local Government at ng National Police Commission ang nasabing hakbang na tanggalan siya ng police power.
Bukod kay Mayor Halili, apat na iba pang alkalde sa lalawigan ng Batangas ang tinanggalan ng police power matapos na masama sa narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay sina Ibaan Mayor Danny Toreja, Lemery Mayor Larry Alilio, Tanauan at dalawang iba pa.
Nakapokus naman umano ang PNP sa Tanuan para maging maayos ang peace and order.
Aniya, may mga pulis naman sa paligid sa tuwing may flag raising na sa katunayan, sumasama pa ang chief of police sa flag raising.
Top