Pagkakaisa para sa Pilipinas ang naging apela ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa sambayanang Pilipino ngayong Bagong Taon.
Ito ang laman na panawagan ng pangulo sa kaniyang mensahe para sa bawat Pilipino sa pagsalubong ng bansa sa bagong taong 2023.
Sa naturang liham ay ipinahayag ni Marcos Jr. ang kaniyang pag-asang magmumula sa tunay na pagmamahal sa kapwa Pilipino at sariling bayan ang lakas at inspirasyon para sa pagkakaisa.
Kasabay nito ay patuloy din ang paanyaya ng pamahalaan na magtulungan para sa pagsasakatuparan ng iisang mithiin bilang mamamayan ng Pilipinas.
Ang likas na diwa kasi aniya ng Bayanihan ang susi sa pagpapatibay sa lahat para sa pagharap sa hirap at patuloy na pagsubok sa katatagan ng taumbayan tungo sa layunin nito na mabigyan ng mas magandang buhay at maunlad na kinabukasan ng bawat pamilyang Pilipino.