-- Advertisements --

Muling binigyang-diin ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na walang ilegal sa mungkahi nitong ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.

Ayon sa dating pangulo, ang mungkahing pagbubukod ng Mindanao sa Pilipinas ay hindi nangangahulugang magkakaroon ng giyera sa ating bansa.

Paliwanag niya, ang naturang proposal ay isang legal na proseso kung saan dadaan pa ito sa United Nations.

Bukod dito ay ipinunto rin ni former President Duterte na ang secesion ay hindi maituturing na paglabag sa 1987 Constitution dahil ito ay labas sa konstitusyon na nakabatay sa right of a free will of determination ng taumbayan.

Kung maaalala, una nang sinabi ni PNP chief PGEN. Benjamin Acorda Jr. na tutol ang buong hanay ng Pambansang Pulisya sa mungkahing paghihiwalay ng Mindanao sa Pilipinas sa kadahilanang posible aniya itong magsimula ng kaguluhan sa bansa na sisira sa kapayapaang matagal tinatamasa ngayon ng Pilipinas matapos ang naging sakripisyo at pagbubuwis ng marami sa ating mga kababayan para ito ay makamtan.