-- Advertisements --

MPD3 1

Matagumpay at generally peacefull ang isinagawang Traslacion 2021 ng Itim na Nazareno sa ilalim ng “New Normal” kung saan nagtapos ito sa isang misa kagabi sa kabila ng pagbuhos ng mga deboto sa Quiapo church.


Ito ang naging assessment ni National Capital Region Police Office (NCRPO) acting director Brigadier General Vicente Danao Jr.

Batay sa pagtaya ng NCRPO nasa 400,000 na mga deboto ang nagtungo sa Quiapo church para ipagdiriwang ang kapistahan ng Itim na Nazareno.

Ito’y sa kabila ng apela ng mga otoridad sa mga deboto na manatili na lamang sa at manood ng misa sa online.

Wala namang naitala na mga major untoward incidents, bukod na lamang sa mga nahimatay.

Una ng sinabi ni NCRPO chief BGen. Danao, malaking hamon sa kanila ang pagtupad sa minimum health protocol gaya ng social distancing at siguraduhing walang senior citizen at mga bata ang dadalo sa misa.

Nasa halos 27,000 police personnel ang ipinakalat ng PNP para striktong naipatutupad ang mga health protocol.

Inihayag ng Manila Police District (MPD) na yung mga deboto na walang face mask o face shield ay kanilang binibigyan.

Aminado naman si Danao dahil sa pagdagsa ng mga deboto, hindi naiwasan na may paglabag sa minimum health standards at protocol lalo na sa ibang areas na sobrang nagdikit-dikit ang mga indibidwal.

Samantala, ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, sa kabuuan ay nairaos ang pagdiriwang ng payapa at ligtas.

Binigyang pugay niya ang mga deboto na sumunod sa mga patakaran lalo na mga health protocol.