Reading Time: 1 minute

TACLOBAN CITY – Asahan umano na bibigyang diin ang pagkakasauli sa Balangiga Bells kasabay ng paggunita ng ika-118 taon ng Balangiga encounter sa darating na Setyembre 28.

Ito ang unang taon sa loob ng lampas isang siglo na kanilang pagunita na nariyan na ang naturang mga kampana.

Ayon kay Fe Campanero, Balangiga Municipal Tourism Culture and Arts Officer, nakahanda na ang mga aktibidad na magsisimula sa Setyembre 25.

Kasama na aniya rito ang reenactment ng Balangiga encounter.

Mayroon din daw silang mga aktibidad sa unang anibersaryo ng pagkakasauli ng mga kampana sa bansa partikular na sa sa bayan ng Balangiga, Eastern Samar, sa Disyembre 15 ngayong taon.