-- Advertisements --

Target ng House Committee on Justice na tapusin sa Abril 29 ang pagdinig sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, na miyembro ng justice panel, malapit nang makumpleto ang pangangalap ng ebidensya, habang nakatakda ang huling pagdinig sa Abril 22 at 29.

Kapag natapos, maaaring isumite na ang ulat ng komite sa plenaryo sa pagbabalik ng sesyon sa Mayo 4, isang hakbang na maaaring magbukas sa posibleng paglilitis sa Senado.

Ipinaliwanag ni mambabatas na daraan pa sa debate at pagsusuri ng mga mambabatas ang ulat, kung saan sasagutin din ng sponsor na si House Justice Committee chair Rep. Gerville Luistro ang mga katanungan.

Binigyang-diin din na ng kongresista na ang papel ng Kamara ay tukuyin lamang kung may “probable cause,” at hindi ang magpasya ng pagkakasala.