Inihayag ng Presidential Communications Office (PCO) na ang pagdalo ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa royal wedding ay muling nagpapatibay sa lakas ng bilateral ties sa pagitan ng Pilipinas at Brunei.
Lumipad kagabi si Pang. Marcos kasama si First Lady Liza Marcos patungong Brunei upang dumalo sa royal wedding ng anak ni Sultan Hassanal Bolkiah.
Makakasama ng Presidente ang iba pang mga heads of state na inimbitahan din sa royal wedding ni Royal Prince of Brunei Abdul Mateen at si Yang Mulia Dayang Anisha Rosnah Binti Adam.
Si Prince Abdul Mateen ang ika anim sa linya ng succession sa Bruneian throne habang si Yang Mulia Dayang Anisha Rosnah Binti Adam ay isang negosyante na nagmamay-ari ng isang fashion brand at tourism company.
Ayon sa Palasyo ang Brunei ay tahanan din ng nasa 22,000 overseas Filipino workers.
”The President’s attendance at the royal wedding reaffirms the strength of the bilateral ties between the Philippines and Brunei,’’ pahayag ng PCO.
Babalik din ngayong araw ng Linggo sa Pilipinas ang Pangulong Marcos