-- Advertisements --
Wala pang pinal na petsa sa pagsisimula ng School Year 2021- 2022.
Ayon sa Department of Education (DepEd) na ang naunang petsa na napag-usapan na Agosto 23 ay isang proposal lamang.
Tanging si Pangulong Rodrigo Duterte ang siyang may desisyon sa pagbubukas ng school year na nakasaad sa Republic Act 11480.
Magbibigay aniya ang DepEd ng mga iba’t-ibang options para sa konsiderasyon ng pangulo.
Magugunitang itinakda noong Oktubre 5, 2020 ang pagbubukas ng School Year 2020-2021 ayon na rin sa kautusan ng Office of the President na una ay itinakda noong Hulyo 10.