Hinimok ni 2026 Bar Examinations Chairperson Supreme Court Associate Justice Samuel Gaerlan ang mga ‘bar examinees’ na huwag sumuko ngayong papalapit na ang pagsusulit.
Batid aniya ang nasa isip at hirap na pinagdadaanan ng mga ito kung kaya’t ipinaalala ang kanilang pagiging ‘sapat’.
Kanyang binigyang diin na maituturing sapat na ang panahon iginugol, pagsisikap na ibinuhos at pagbibigay ng lahat sa abot ng makakaya para sa pagkuha nila ng eksaminasyon.
Paalala pa niya’y wag’ silang panghinaan at magpatalo sa agam-agam, alinlangan, takot o pangamba.
Kung kaya’t hinimok ang mga ‘bar examinees’ na magtiwala sa Panginoon at maging sa paghahandang isinagawa para sa 2026 Bar Examinations.
Dagdag pa ni Supreme Court Associate Justice Samuel H. Gaerlan na kaisa sila sa paghahanda ng isasagawang 2026 Bar Examinations.
Makatitiyak umanong patas, ligtas para sa lahat at walang anuman bahid o dungis ang intergridad na magiging pagsusulit.
Pang huli, dalangin aniya nila na makamtan ng mga ‘bar examinees’ ang tagumpay sa nakatakdang pagsusulit.
Isasagawa ang 2026 Bar Examinations sa darating na ika-6, 9, 13 ng Setyembre kung saan higit 13-libong law graduates ang inaasahang kukuha ng eksaminasyon.
















