-- Advertisements --

Halos kumpleto na raw ang pagbiyahe ng mga election paraphernalia ilang araw na lamang bago ang halalan sa Mayo 9.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Commissioner Aimee Ferolino, kabilang na rito ang official ballots, vote counting machines at iba pa.

Sinabi ng poll commissioner na ang lahat ng ballot boxes at transmission devices ay nai-deliver na raw lahat sa mga local hubs.

Ang deployment naman ng vote counting machines ay halos kumpleto na o nasa 96.44 percent, external batteries nasa 99.54 percent ang nai-deliber at 99.01 percent para sa consolidated canvassing system laptop.

Para naman sa official ballots, 48 percent na ang nai-deploy.

Samantala, pinayagan na ngayon ng Comelec na may kasama ang mga persons with disability (PWD) na magtungo sa loob ng polling precincts at alalayan ang botante.

Ang naturang panukala raw ang aprubado ng buong Comelec en banc.

Ngayong halalan, nasa 511,612 PWDs na registered voters ang boboto para sa May 9 polls.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Commissioner Marlon Casquejo, isasagawa raw ang pagsira sa mga depektibong balota sa Mayo 9.

Aabot daw sa 500,000 ang bilang ng mga balotang sisirain.

Nasa 300,000 da ang depektibong official ballots pero kailangan din nilang sirain pa ang roadshow ballots na nasa 200,000.