Suspendido muna sa loob ng isang linggo ang visitation priviledges sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa at sa iba pang mga kulungan sa bansa na pinamamahalaan ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ito ay matapos na nagdeklara ng state of public health emergency si Pangulong Rodrigo Duterte at ang pagtaas ng Department of Health (DoH) sa code red alert sub-level 1 dahil sa pangamba sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Simula bukas, March 11 ay bawal munang bisitahin ang mga inmtes sa mga nasabing kulungan bilang bahagi ng protocol o safety mesures.

Kabilang sa mga prison facilities ng BuCor ang Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City, Davao Prison and Penal Farm, Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan, San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City, Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro at Leyte Regional Prison.