-- Advertisements --

Todo-depensa ang Malacañang sa desisyon ng Department of National Defense (DND) na bumili ng dalawang bago at mamahaling eroplanong gagamitin nina Pangulong Rodrigo Duterte, Armed Forces of the Philippines Chief of Staff at ang Secretary ng National Defense sa oras ng emergency o crisis situation.

Sinasabing nasa P2 billion ang halaga ng Gulf Stream luxury jets na C295 at C280.

Sinabi ni Sec. Panelo, napakatipid ni Pangulong Duterte at hindi naman ito gagastos kung hindi talaga kailangan.

Ayon kay Sec. Panelo, naniniwala siyang posibleng ito na ang simula ng pagbili muli ng bansa ng mga armas at iba pang military equipment mula US.

Ginawa ni Sec. Panelo ang pagdepensa kasunod ng pabatikos ni Bayan Secretary General Renato Reyes sa paggastos ng ganitong kalaking halaga para aniya sa comfort ng mga opisyal ng gobyerno, habang kinakaligtaan naman ang kapakanan ng mga commuters na umaaray sa problema sa transportasyon.