-- Advertisements --

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat government-to-government ang transakyon sa pagbili ng COVID-19 vaccine partikular ng Sinovac sa sandaling available na ito sa merkado.

Sinabi ni Pangulong Duterte, ayaw niyang mga private pharmaceutical companies ang magnegosasyon sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19 dahil dito umano magkakalokohan.

Ayon kay Pangulong Duterte, naniniwala siyang magiging maayos at walang korupsyon kung government-to-government ang usapan sa pagbili ng bakuna sa COVID-19 mula sa bansang mauunang makakuha ng approval ng Food And Drug Administration (FDA).

Inihayag ni Pangulong Duterte na hindi manghihingi kundi bibilhin ng Pilipinas COVID-19 vaccine.

Ibinalita pa ng pangulo na nakauysap na niya ang ambassador ng China sa Pilipinas na nagsabing mayroon na silang bakuna at usapin na lamang kung paano ang ditribusyon at transaksyon ang kailangang ayusin.

Ang Sinovac ng China ay kasalukuyang nasa third phase na at inaasahang makakakuha ng approval ng Chinese FDA sa Nobyembre bago simulan ang mass production.

“Ayaw ko ‘yung bibili tayo sa private Chinese businessmen. Diyan magkakalokohan,” ani Pangulong Duterte. “Hindi kami manghihingi, we will pay. Sana government-to-government ang transaction, walang corruption.”