-- Advertisements --

Inaasahang ngayong linggo umano iaanunsyo kung papalawigin o babawiin ang pin aiiral na enhanced community quarantine sa Luzon.

Sa virtual presser ngayong umaga, sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na siya ring spokesman ng Inter-Agency Task Force on the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) na patuloy pa ang ginagawang assessment ng binuong IATF Technical Working Group (TWG) kung maaari ng bawiin ang ECQ o kaya palawigin pa o maaari ding palawakin ang saklaw nito maliban sa Luzon.

Ayon kay Sec. Nograles, kasama sa TWG na ito ang National Economic and Development Authority (NEDA), Philippine Institute for Development Studies (PIDS), Department of Science and Technology (DOST) at mga technical experts mula sa academe at health, economic, and security sectors.

Kaugnay nito, nakikiusap si Sec. Nograles na anuman ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa isusumiteng report ng IATF, sana ay unawain at sundin ng publiko.

“Ngayon, may mga nagtatanong kung ieextend ba ang ECQ o hindi. We would like to reiterate that an IATF Technical Working Group (TWG) led by the DOH and it has been directed to apply the parameters for deciding on the eventual total or partial lifting of the ECQ in Luzon, the possible extension of its duration, or its expansion to other areas outside the contained area, subject to the approval, amendment or modification by the IATF. Isang IATF TWG na pinamumunuan ng DOH ay inaatasan na gamitin ang mga pamantayan para matukoy kung itutuloy o hindi ang ECQ dito sa Luzon, o kung may isasama pang lugar sa ECQ. Kasama po sa TWG na ito ang National Economic and Development Authority (NEDA), Philippine Institute for Development Studies (PIDS), Department of Science and Technology (DOST), at mga technical experts mula sa academe at health, economic, and security sectors,” ani Sec. Nograles.