-- Advertisements --
5121

Maraming factors ang dahilan kabilang umano ang depektibong instrumento o systems ng aircraft at ang ‘di naaangkop na reaksiyon o hakbang ng mga piloto hinggil sa nangyaring emergency ang dahilan para bumagsak ang C-130 aircraft sa Sulu.

Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa mga mambabatas kaugnay sa isinagawang House budget hearing sa proposed P297,136,636,000 billion budget ng Department of National Defense.

Ang pahayag ni Lorenza ay batay sa briefing na ibinigay sa kaniya ng PAF na batay sa report at imbestigasyon na isinagawa ng mga probe team ng Philippine Air Force (PAF).

Binigyang-diin ni Lorenzana na pina-finalize na sa ngayon ng Philippine Air Force ang kanilang report at kanila itong isusumite sa House Committee on Appropriations sa loob ng 24 hours.

Noong July 4, bumagsak ang C-130 aircraft sa Barangay Bangkal sa Patikul matapos lumampas ang aircraft sa runway.

Sa nasabing aksidente nasa 53 ang nasawi kung saan 50 dito ay mga sundalo habang tatlo ang sibilyan.

Nasa 46 naman na mga sundalo at apat na sibilyan ang sugatan. Karamihan sa mga naging fatalities ay sunog at hindi na halos makilala.

DNDlorenzana
Defense Secretary Delfin Lorenzana

Noong August 20, iniulat ng AFP na kanila ng natukoy ang identities ng 50 sundalo na nasawi at naihatid na rin sa kani-kanilang mga pamilya.

Ang bumagsak na C-130 Hercules ay isa sa dalawang refurbished US Air Force planes na binili ng Pilipinas sa ilalim ng military assistance program.

Una na ring bumagsak ang isang Sikorsky S-70i Black Hawk helicopter ng PAF ng magsagawa ito ng night flight training sa Tarlac noong buwan ng Hunyo at ang sanhi ng pagbagsak ay dahil sa masama ang panahon at hindi pilot error.

“The way it was briefed to me last night, the accident was a confluence of many events, the plane had “defective instruments or systems plus the reaction of the pilot was not also appropriate for the emergency. So it crashed,” pahayag pa ni Sec. Lorenzana sa mga mambabatas.