-- Advertisements --

Tinanggal na ng Manila Police District na bomba ang sanhi ng pagsabog malapit sa riles ng PNR sa Tayuman St. Tondo, Maynila nitong Linggo ng hapon.

Ayon kay Police Lt. Col. Gilbert Cruz, commander ng Manila Police District station 2, na base sa kanilang inisyal na imbestigasyon na ang pagsabog ay mula sa isang air compressor.

Inaalam pa nila kung anong uri ng air compressor ang sumabog.

Sa inisyal na imbestigasyon nangyari ang insidente dakong alas-2 pasado ng hapon ng may biglang sumabog sa lugar at ikinasugat ng apat na katao.