-- Advertisements --

Posibleng abutin pa ng dalawang taon ang pagbabawal sa mga mabibigat na sasakyan na dumaan sa Sa Juanico Bridge.

Maalalang sinimulang ipagbawal ang pagdaan ng mga bus at cargo truck na may bigat tatlong tonelada pataas sa naturang tulay kasabay ng pagsisimula ng pangunahing rehabilitation and retrofitting activities.

Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Manuel Bonoan, ang ginagawang retrofitting ay isa lamang pansamantalang solusyon na inaasahang magtatagal ng tatlo hanggang apat na buwan.

Sa kabilang banda, ang ipinapatupad na vehicle restriction aniya ay maaaring magtagal pa ng dalawang taon dahil sa magpapatuloy ang gagawing pag-monitor dito kahit pagkatapos pa ng mga retrofitting atbpang nakahanan na aktibidad upang mapagbuti ang kalidad ng tulay.

Ibinunyag din ng kalihim na mayroong bagong tulay o parallel bridge na gagawin ang gobiyerno na maaaring hahalili sa naturang tulay.

Ang parallel bridge ay inaasahang may haba na 2.6 kilometers o mas mahaba pa kaysa sa kasalukuyang San Juanico. Ito ay posibleng aabutin ng hanggang tatlong taon bago tuluyang makumpleto.

Kung magiging operational na aniya ito, maaaring sasailalim na ang San Juanico Bridge sa isang full-scale rehabilitation at structural recreation.