Ang kamakailang sunod sunod na pagbuhos ng ulan bunsod ng Trophical Depression Dodong at ang habagat ay nagawang mapunan ang pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat dam.
Pero pinaghahanda ng Department of Environment and National Resources ang mga consumer dahil ang dagdag na tubig sa naturang dam ay tatagal lang daw ng isang linggo.
Ayon kay Environment Secretary Antonia Yulo-Loyzaga, bagamat wala masyadong krisis sa tubig, idiniin niyang ang supply ng tubig ngayon ay nag aambang kapusin pa rin.
Matatandaan na nitong Lunes lamang ay bahagyang tumaas ang antas ng tubig sa Angat dam. Ito ay matapos ang tatlong araw na naranasang pag ulan, na nagresulta sa pagbalik sa minimum operating level ng tubig na 180 meters.
Samantala, para naman matugonan ang pangangailangan sa tubig, binigyang diin ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System ang kahalagahan ng pagtatayo ng isa pang pagkukunan ng tubig tulad aniya ng Kaliwa Dam.