-- Advertisements --

Muling lumakas ang bagyong Opong habang nasa West Philippine Sea.

Ayon sa pinakahuling ulat, tinatayang nasa 505 kilometro kanluran ng Indang, Cavite ang sentro ng bagyo.

May taglay itong pinakamalakas na hangin na umaabot sa 120 kilometro kada oras malapit sa gitna, at pagbugso ng hangin na hanggang 150 kilometro kada oras.

Patuloy itong kumikilos pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 30 kilometro kada oras.

Ang lakas ng hangin mula sa bagyo ay umaabot hanggang 400 kilometro mula sa gitna, kaya inaasahan ang malawak na epekto nito sa mga kalapit na lugar.

Kabilang sa mga lugar na nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ay ang kanlurang bahagi ng Pangasinan, Zambales, Bataan, kanlurang bahagi ng Cavite, kanlurang bahagi ng Batangas, hilagang bahagi ng Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Islands, at Calamian Islands.

Sa loob ng 24 oras, inaasahan ang maalon hanggang sa napakaalon na kondisyon sa mga sumusunod na baybayin.