CEBU CITY – Inanunsyo ng Office of the Presidential Assistant for the Visayas (OPAV) na mararamdaman na ng Cebu City ang unti-unting pag-downgrade papuntang general community quarantine (GCQ).
Ito’y sa kabila ng tumataas na bilang ng mga nahawaan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na nagbunsod sa pagpalawig ng enhanced community quarantine sa lungsod hanggang Mayo 31.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay OPAV Assistant Sec. Jonjie Gonzales, sinabi nito na tinututukan ng ahensya ang bawat hakbang at gawain ng City Government laban sa deadly COVID-19.
Ngunit nilinaw naman nito na hindi pa rin mawawala ang banta ng COVID-19 kahit na isailalim ang lungsod sa GCQ kaya pinayuhan ni Gonzales ang mga Cebuano na sumunod pa rin sa mga nakasanayang health protocols bilang pag-iingat.
Batay sa ulat mula sa Cebu City Health Department, nasa 1,782 na ang kabuuang bilang ng mga nahawaan ng COVID-19 sa lungsod.