KALIBO, Aklan – Pansamantalang sinuspendi ang pag-phase-out ng mga de-gasolinang tricycle sa isla ng Boracay na hanggang Disyembre 31, 2019 na lang sana.

Ayon kay Malay Acting Mayor Frolibar Bautista, hindi pa lubusang naibabalik sa buong isla ang supply ng kuryente na naapektuhan ng bagyong Ursula.

Naibalik na ng Aklan Electric Cooperative o Akelco ang supply ng kuryente sa Brgy. Yapak at Brgy. Balabag habang sa Brgy. Manocmanoc ay unti-unti nang naibabalik.

Ipinaliwanag ni Bautista na ang electronic tricycle o E-trikes ay nakadepende sa kuryente bagay na hindi pa nila pormal na maipapatupad hanggang hindi maibabalik sa normal ang supply ng kuryente sa isla.

Ayon kay Mayor Bautista, ipinasiguro ng Akelco na maibabalik ang supply ng kuryente sa buong isla sa loob ng 12 araw.

-- Advertisement --