-- Advertisements --

Malaki ang paniniwala ni Indonesian President Joko Widodo, na tataas pa ang kaso ng coronavirus disease sa kaniyang bansa mula Agosto hanggang Setyembre.

Sinabi nito, na ang kaniyang estimate ay posibleng mangyari dahil sa muling pagdami ng kaso ng coronavirus sa kaniyang bansa.

Noong nakaraan kasi ay hinulaan nito na tataas ang kaso ng coronavirus sa katapusan ng Mayo at bumaba ang kaso kaya nag-relax ang kanilang gobyerno.

Umaabot na sa halos 77,000 ang kaso ng coronavirus sa Indonesia na mayroong mahigit 3,600 ang nasawi.