-- Advertisements --
Sinisiyasat na ng Philippine Air Force (PAF) ang pagbagsak ng isa nilang SF-260FH basic trainer aircraft nitong Lunes.
Ginagamit umano ito sa air education, training at doctrine command.
Nabatid na nagkaroon ng aberya ang sasakyan habang nasa may Runway 21 ng Fernando Airbase in Lipa, Batangas province.
Pero kahit nasa mababang altitude, nagawa pa rin ng piloto na makapag-maneuver sa open area sa loob ng air base perimeter.
Dahil dito, ligtas ang mga sakay at wala ring napinsala sa mismong binagsakan nito.
Mabilis na dumating ang responders sa lugar at agad na tiningnan ang kalagayan ng dalawang piloto, bilang bahagi ng protocol.