-- Advertisements --

Ikinukonsidera ng kampo ni Manny Pacquiao na isagawa ang susunod na laban nito sa Middle East.

Ayon kay Sean Gibbons na siyang namumuno ng MP Promotions, inaayos na nila ang posibleng paglaban ng fighting senator sa Saudi Arabia, United Arab Emirates o kahit sa Qatar.

Kung hindi aniya maisasagawa ito sa Abril, posible itong gawin sa Hulyo.

Huling lumaban si Pacquiao ay noong Hulyo nang talunin niya si Keith Thurman sa Las Vegas.