Muling lumutang ang pangalan ni Sen. Manny Pacquiao na posibleng manguna sa ilalabas na Ring Magazine’s pound for pound list.

Isa sa matibay na batayan dito matagumpay na laban niya kay Keith Thurman, kung saan siya ang nagbigay dito ng unang pagkatalo sa boxing career.

Impresibo rin para sa mga boxing analyst na sa edad na 40 ay namamayagpag pa rin ang Pinoy ring icon.

Dati nang nanguna si Pacman sa listahan, ngunit nalagpasan siya nang bumalik sa ring ang wala pang talo na si Floyd Mayweather Jr.

Pero dahil muling nagretiro ang American boxer, wala nang sagabal para makuha uli ng fighting senator ang top spot sa P4P.