-- Advertisements --

Pabor si Sen. Manny Pacquiao na agad sibakin sa pwesto si Energy Sec. Alfonso Cusi, sa harap ng sunod-sunod araw na kakapusan ng kuryente lalo na sa Luzon grid.

Ayon kay Pacquiao, limang taon na sa pwesto si Cusi, ngunit bigo pa ring masolusyunan ang problema sa enerhiya ng bansa.

“Kung ako ang ano eh, eh palitan kita, maraming deserving na mamumuno dyan,” wika ni Pacquiao.

Nilinaw ng mambabatas na trabaho lang ito at hindi kasali ang personal na isyu sa pagitan nilang dalawa.

Matatandaan na si Cusi ang nagsusulong ng ilang hakbang sa PDP-Laban bilang vice chairman ng partido, bagay na hindi dumadaan ang mga desisyon sa party president na si Pacquiao.