-- Advertisements --

Isasailalim ni Senator Manny Pacquiao ang lahat ng mga opisyal ng gobyerno sa drug test kapag ito ay palarin na manalo sa pagkapangulo sa 2022 elections.

Sinabi nito na magiging mandatory ang nasabing drug test sa lahat ng mga nais na magtrabaho sa gobyerno.

Kabilang na rin dito ang mga sumailalim na sa drug rehabilitation na nagdesisyon na iwan ang nasabing bisyo.

Maging ang sarili nito ay handang magpasailalim sa nasabing drug testing.

Magugunitang ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang kandidato sa pagkapangulo sa 2022 elections ang gumagamit umano ng iligal na droga na cocaine.