Pacquiao Thurman

GENERAL SANTOS CITY – Tutulak pabalik ng Metro Manila ngayong araw si Sen. Manny Pacquiao para pormal nang simulan ang training camp sa nakatakdang laban kontra kay Keith Thurman sa darating na July 20.

Nabatid na kahapon ay mag-isang sinimulan ng fighting senator ang kanyang pagsasanay dahil wala si Coach Buboy Fernandez at Hall of Famer Coach Freddie Roach sa lungsod.

Inalalayan muna ni Roger “Haplas” Fernandez, kapatid ni Buboy, ang Pinoy ring icon.

Anim na rounds ng jumping rope, sit-up, double end, at shadow fight, sa kanyang Wild Card Gym sa General Santos ang natapos ni Pacquiao.