-- Advertisements --

Handang gawin ng Indiana Pacers ang lahat ng paraan para pigilan ang Oklahoma City Thunder na makuha ang kampeonato sa Game 6.

Inamin ni Pacers head coach Rick Carlisle na nahaharap sila sa malaking hamon ngayon matapos na hawak ng OKC ang 3-2 na bentahe sa kanilang best of seven finals.

Kumpiyansa naman ito dahil sa homecourt mismo ng Pacers gaganapin ang Game 6.

Bagamat may iniindang calf-injury si Pacers star Tyrese Haliburton ay pipilitin pa rin nitong ipinalo ang laro.

Wala namang babaguhin si Thunder coach Mark Daigneault sa kanilang laro kung saan hihigpitan pa nila lalo ang depensa kahit na alanganin ang paglalaro ni Haliburton.

Dagdag pa nito na may ilang mga manlalaro ng Pacers na maaring humalili kay Haliburton at ito ay sina Pascal Siakam.

Sakaling mapuwersa ng Pacers ang Game 7 ay babalik ang laro sa homecourt naman ng Thunder.