-- Advertisements --

Wala raw balak si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) commissioner Greco Belgica na isapubliko ang pangalan ng mga mambabatas na dawit sa korapsyon na nagaganap sa loob ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay Belgica, makokompromiso lamang ang gagawin nilang imbestigasyon kung ilalabas nila ang pangalan ng mga opisyal na dawit sa katiwalian.

Ang desisyong ito ni Belgica ay nagbunsod na rin sa naging hamon ni Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor na dapat daw ay isiwalat ang mga sangkot sa korapsyon.

Una nang sinabi ni Defensor na ilang mambabatas umano ang kasabwat ng ilang DPWH personnel sa pangungulimbat ng pera sa mga proyekto ng ahensya.

Hindi raw ito gagawa ng blind items o bulleting board hinggil sa kanilang magiging imbestigasyon dahil kung sasabihan daw nila ito ay parang binigyan na nila ng heads-up ang mga suspeks.

Napansin kasi ng mga senador ang halos P345.25 billion lump sum na nakasingit sa panukalang budget ng DPWH sa 2021.

May ilang mambabatas at opisyal din daw ng naturang ahensya na humihingi pa ng kickback mula sa mga contractors na nanalo sa bidding ng mga proyekto.

Saad pa ni Belgica na limitado lamang sa presidential appointees ang maaari nilang imbestigahan.