-- Advertisements --
Duterte on podium
President Duterte

Tinaasan pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pabuya laban sa mga nanambang at nakapatay sa apat na pulis sa Negros Oriental kamakailan.

Sa kanyang talumpati sa panunumpati ng ilang bagong promoted na opisyal ng PNP, sinabi ni Pangulong Duterte na P6 million na ang pabuya para sa ikakaaresto ng lider ng mga suspek.

Pero ayon kay Pangulong Duterte, kung maihaharap sa kanya ang ulo ng suspek o kapag ito ay napatay.

Una nang itinaas ng Presidente sa P5 milyon ang reward money para sa sinumang makapagtuturo sa mga suspek.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, dead or alive ang nais ng pangulo para sa mga salarin.

May P100,000 rin ang pangulo para sa sinumang makapagtururo sa iba pang personalidad na may partisipasyon sa pagpatay sa apat na pulis.