-- Advertisements --

Pumalo na sa P6.5 milyon ang nakalaang pabuya sa pag-aresto sa pumatay sa mamamahayag na si Percy Lapid.

Inanunsiyo kasi ni House Speaker Martin Romualdez na nag-ambag ang mga kongresista at umabot ito ng P5 milyon.

Magugunitang unang nagbigay ng P1-milyon na pabuya ang kaibigan ng pamilya habang mayroong P500,000 ang inilaan mula sa sariling pera ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos.

Sinabi ni Romualdez na nababahala siya nangyari kay Lapid o Percival Mabasa sa tunay na buhay.

Dagdag pa nito na mahalaga na maprotektahan ang kaligtasan ng mga mamamahayag sa bansa.

Magugunitang gabi ng Oktubre 3 ng pagbabarilin si Mabasa sa Barangay Talon Dos, Las Piñas habang ito ay patungo sa kaniyang online program.