-- Advertisements --

Ipinagmalaki na iniulat ng Department of Trade and Industry (DTI) na nakuha ni Pang. Ferdinand Marcos Jr ang nasa P86 billion o nasa US$1.53-billion investment deals sa sidelines ng ASEAN-Australia Special Summit sa Melbourne, Australia ngayong araw, Lunes, March 4,2024.

Ang nasabing halaga ay mula sa 12 business deals na nilagdaan sa ginanap na Philippine Business Forum.

Ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual, ang mga nasabing business agreements ay lalong magpapalago sa investment relationships ng Pilipinas at Australia na malaking ambag sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.

Ang nasabing kasunduan ay nangangahulugan ng hindi matitinag ang pangako para sa isang mabungang partnerships sa diverse sectors gaya ng renewable energy, waste-to-energy technology, organic recycling technology, countryside housing initiatives, pagtatayo ng data center, manufacturing of health technology solutions at digital health services.

Inihayag ni Pascual ang 12 business deals ay binubuo ng 10 memoranda of understanding sa pagitan ng mga Filipino at Australian businees leaders.

Kabilang sa nilagdaang MOUs ay sa development, design, construction, commissioning, at funding ng Tier-3 data center, expansion ng Next-Generation Battery Manufacturing sa Pilipinas.

Mayruon din nilagdaang MOU para sa deployment ng deployment of decarbonization solutions para sa renewal energy, establishment ng collection centers at recycling facility para a plastic waste, manufacturing ng portable, affordable and accessible Automated External Defibrillator.

Nakipag partner din ang National Development Company sa isang Australian company sa pamamagitan ng MOU para sa transfer sa waste-to-energy technology sa Pilipinas na nagko-convert biowaste patungo sa green fuel.