-- Advertisements --

tawitawi3

Arestado ang tatlong drug suspects matapos mahulihan ng P6.8 million ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy bust operation ng Philippine Marines at PDEA sa Tawi-Tawi.

Kinilala ni Wesmincom commander MGen Alfredo Rosario Jr ang mga nahuling drug personalities na sina Rodimer Hamsiri Sappar, 21-anyos; Nurmilyn Suldi Majid, 26-anyos pawang mga residente ng Brgy Poblacion habang si Hatta Muialib Sakiral, 28-anyos ay residente naman ng Brgy Suwang Pukol bayan ng Bongao.

“Rest assured that the military units under the Western Mindanao Command will continue to attune its efforts particularly on the government’s campaign against prohibited drugs,” pahayag ni Maj.Gen. Rosario.

Kasama ng mga tauhan ng PDEA-BARMM ang mga tropa mula Marine Battalion Landing Team-12 (MBLT-12), at PDEA-IX ng ikasa ng mga ito ang anti-illegal drug operation sa Bagay St., Poblacion.

Nasabat sa posisyon ng mga suspeks ang humigit kumulang isang kilo ng shabu at mga paraphernalias.

Ayon kay Col. Romeo Racadio, Commander ng Joint Task Force Tawi-Tawi, resulta ito ng masusing pagpa-plano at koordinasyon na nagbunga sa pagkakadakip ng tatlong drug suspeks na ngayon ay nasa kustodiya ng PDEA-IX, para sa kaukulang disposisyon.

Siniguro naman ni Col. Racadio na magpapatuloy ang kanilang law enforcement support operations kasama ang ibang law enforcement agencies para mapigilan ang paglipana ng iligal na droga sa probinsiya.

tawi tawi