-- Advertisements --

Australia1

Nagpaabot nang tulong ang Australian government ng samu’t-saring kagamitan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para mapalakas pa ang kanilang COVID-19 response.

Personal na tinanggap ni Defense Sec. Delfin Lorenzana at AFP chief of staff General Jose Faustino Jr ang P57 million na halaga ng medical equipment, supplies at personal protective equipment mula sa Australian government.

Ayon kay Gen. Faustino, testimonya ng magandang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Australia ang donasyon ng mga kagamitan.

Lubos naman ang pasasalamat ng AFP sa Australian government dahil sa tulong lalo pa’t kailangan ito ng mga sundalo sa gitna ng pandemya.

Sinabi naman ni Sec. Lorenzana na sa pamamagitan ng donasyon, lumawig pa ang Defense Cooperation Program ng Pilipinas at Australia.

Itu-turn over ang mga medical supplies at PPE sa primary military hospital ng AFP sa V Luna Medical Center.

Sa pahayag ni Australian Ambassador to the Philippines HE Steven Robinson, bilang tugon ng Australian Defense Force sa Covid-19 pandemic sa pamamagitan ng enhanced defense cooperation program, nasa $1 million halaga ng medical at personal protective equipment nuong June 2020.

Siniguro ni Robinson na magpapatuloy ang kanilang suporta sa Pilipinas sa paglaban sa COVID-19.