CAGAYAN DE ORO CITY -Naka-sarado ngayon ang commercial warehouse na pagmay-ari ng hindi muna pinangalanang negosyante sa Dacudao Compound,Corrales Extension,Barangay Puntod,Cagayan de Oro City.
Ito ay matapos nakunan ng mga Bureau of Customs traiding team ang bodega ng mga smuggled onions na nasa mahigit-kumulang limang milyong piso at iba pang agricultural products.
Sinabi ni BoC-Cagayan de Oro District collector Atty Elvira Cruz na kinumpiska ang nabanggit na mga sibuyas dahil natuklasan na walang importation permit.
Inihayag ng opisyal na maliban sa mga ilegal na sibuyas ay natuklasan ang mga ipinalusot na bawang,beans,carrots at iba pang imported goods.
Ito ang dahilan na pansamantala na isinara ng BoC ang warehouse sa loob ng kalahating buwan habang hinihintay ang may-ari na makapaghain ng kaukulang mga dokumento o kaya’y sasampahan ng paglabag sa section 224 ng Customs Modernization and Tariff Act sa korte.
Magugunitang sa nagdaang linggo ay nasa higit 3 milyon piso rin na ipinalusot na sibuyas mula sa bansang China ang nakompiska ng BoC na ipinasok sa Northern Mindanao.