Posible umanong abutin ng P400 billion ang kakailanganing pondo para maisakatuparan ang campaign promise ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos na mababang presyo ng bigas na nasa P20 kada kilo.
Ayon kay Magsasaka Partylist Representative Argel Cabatbat, kailangan daw ng pamahalaan na maglabas ng naturang pondo sa agriculture sector para siguruhin ang basic support services at infrastructure.
Ito ay para maputol din ang mataas na gastos sa production at marketing maging ng labor-intensive farm practices.
Dagdag ni Cabatbat, dapat daw ay magkaroon ng tiwala ang mga policymakers sa mga magsasaka sa bansa at ibigay ang karampatang suporta na kanilang kinakailangan para sa muling mapasigla ang rice planting activities sa bansa.
Inihalimbawa ni Cabatbat ang Thailand at Vietnam na suportado ng kani-kanilang bansa ang mga magsasaka at mayroon silang comprehensive mechanization program.
Sa pamamagitan nito ay nae-enjoy daw ng mga ito ay mas mataas na ani at ang mas murang production costs sa mga nagdaang taon.
Sinabi nitong tinitignan din niya ang matagumpaay na models gayan ng “megafarm” concept ng Agrarian Reform department at ang Provincial Food Council program ng Nueva Ecija.
Ipinunto ni Cabatbat na dahil dito ay tumaas daw ang anit at kita ng mga magsasaka sa Tarlac at Nueva Ecija.
Inihirit din nito ang pag-reviews sa Rice Tariffication Law na siyang dahilan kung bakit bumaha ang mga import na produkto sa merkado.
Para naman sa panig ng Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Bernie Cruz sinabi nitong ang pagbababa ng presyo ng bigas sa P20 kada kilo ay puwedeng maisakatuparan sa pamamagitan ng mega farms project.
Ang konsepto raw ng naturang proyekto ay tipunin ang mga maliliit at individual farm lots at gawing mega farms para sa rice production.
Sa ilalim ng mega farm project, sinabi ni Cruz na bumuo na ang DAR ng “Programang Benteng Bigas sa Mamamayan” (PBBM).
Sinabi ni DAR Undersecretary David Erro na ang PBBM ay magsisimula sa initial na 150,000 hectares ng rice farm sa ilalim ng coverage ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).
Sinabi ni Erro na base sa pag-aaral na isinagawa ng DAR, ang 150,000 hectares ay puwede raw mag-produce ng average na 142 cavans o sako ng palay kada ektarya sa bawat cropping season.
Ibig daw sabihin nito na magkakaroon ng kitang P76,501 sa bawat taon para sa agrarian reform beneficiaries (ARBs).