CEBU CITY – Nasamsam sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 7 ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340K galing sa isang High-Value-Target saan nahuli ito sa Leon Kilat Street, Barangay Pahina Central sa lungsod ng Cebu kahapon.
Naaresto sa hanay PDEA – 7 Seaport Interdiction Unit sa ilalim ng pamumuno ni Jessie Cabutotan si Janrey Yrey Sibomit, 34-anyos at residente ng Barangay Ermita sa kaparehong syudad.
Habang nakatakas naman ang kasama nito na kinilala na si Jezon Flores Sabroso at pinahahanap na ito ngayon ng mga awtoridad.
Kasila sa nakumpiska galing sa suspek ang 2 pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 50 gramos, 1 Belt Bag, 1 Cellphone, 1 Packaging Tape, 1 Brown Envelope, 1 Wallet, 1 Volunteer’s ID, 1 motorsiklo, ang buy-bust money.
Kasong paglabag sa Section 5 at 26 ng Article II sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharaping kaso ng suspek.