-- Advertisements --

Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nasa Php 31 bilyong pondo ang inilaan ng kaniyang administrasyon para sa National Rice Program para sa taong 2024.

Nais kasi ng Pangulo na magkaroon ng malawak na patubig para sa duon sa magtatanim ng palay.

Siguruhin din na mabibigyan ng sapat na tulong at pagsasanay ng sa gayon mapataas pa ang produksyon at kita ng mga magsasaka.

Kahapon pinangunahan ng chief executive ang pamamahagi ng tulong sa mga Pilipinong magsasaka sa Candaba, Pampanga.

Siniguro nito na all-out support ang gobyerno sa mga magsasaka upang matiyak ang agricultural development sa ilalim ng “Bagong Pilipinas” program.

Ibinahagi rin ng Pangulo na ang 1.5% na pagtaas ng produksyon ng bigas sa 2023 ay dulot ng tuloy-tuloy na aksyon gaya ng paglikha ng binhing umaayon sa pabago-bagong klima, pagtayo ng imprastraktura, at pagbigay ng maagang babala sa mga magsasaka’t mangingisda sa panahon ng kalamidad.