CEBU CITY – Aabot sa P3 million ang halaga ng shabu na nakumpiska ng San Nicolas, Cebu PNP sa isinagawang buy bust operation sa may Brgy. Calamba, Cebu.

Arestado sa naturang operasyon ang drug pusher na kinilalang si Dennis Denuyo, 36-anyos, at residente ng nasabing lugar.

Ayon kay Major Kenneth Albotra, hepe ng San Nicolas PNP, humigit kumulang 400 grams ang bigat ng nasabat na shabu.

Bukod sa iligal na droga, nakuha rin mula sa suspek ang P10,000 marked-money.

Samantala, aabot naman sa isang kilong marijuana ang nakuha ng mga otoridad sa magkahiwalay na operasyon mua sa mag-asawang kinilalang sina Orlando at Merlinda Inoc, residente ng Sitio Lawis, Brgy. Pasil sa lungsod.

Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.