-- Advertisements --

PDEA1 1

Arestado ang dalawang banyaga at isang Pinoy sa ikinasang buy-bust operations ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kagabi sa General Trias, Cavite kung saan nasa P3.4 million halaga ng iligal na droga ang nasabat.

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang naarestong mga suspeks na sina: Stephen Michaels @Sam,36-anyos isang Ghanian national; Agbe Monday Patrick, @Liberty, 27-anyos, single, student, (Nigerian); at Roca Kaylene Glynnis Mejia, 30-anyos, Pilipina, isang call center agent.

Nakumpiska sa mga suspeks ang isang piraso ng plastic na naglalamang ng umano’y shabu na may timbang na 500 grams na may market value na P3.4 million.

Bukod sa iligal na droga, nakumpiska din ang isang caliber 45 pistol,sasakyan at cellphone.

Ang nasabing operasyon ay ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng PDEA Pampanga, PDEA Bulacan, PDEA 4-A, CIDG Pampanga at General Trias Police Station.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharapin ng mga suspeks.

Samantala, isa pang operasyon, arestado naman ang limang drug suspeks sa ikinasang buy bust operation ng PDEA NCR at SDEU ng Malabon City Police Station kung saan nasa 15 gramo ng hinihinalaang shabu ang nasabat sa mga ito na may market value na P102,000.00.

Nakilala ang mga suspeks na sina: Sherly Balidoy alias Mommy, 63-anyos; Ronalyn Ruegas, 33-anyos; Josenilo Latagan Godo, 48-anyos; Jay Fernandez Patrimonio,37-anyos at Levie Dela Cruz Herrera, 46-anyos.