-- Advertisements --

Sinuspinde muna ang pagbebenta ng P20 kilo na bigas alinsunod sa kautusan ng Comelec kaugnay ng election ban.

Ayon sa Department of Agriculture (DA) at National Food Authority (NFA), layon ng programa na maibsan ang bigat ng presyo ng bigas, ngunit itinigil ito muna ito pansamantala upang maiwasang magamit sa pulitika.

Kanina nga ay tanging 10 kilo bawat mamimili mula sa vulnerable sectors ang pinayagang bumili.

Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang hakbang ay para makaiwas sa isyu. Tiniyak naman ng NFA- region 7 na patuloy ang koordinasyon para maipagpatuloy ang programa pagkatapos ng halalan.