-- Advertisements --
FB IMG 1635031555449

CEBU CITY – Binunot at sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 7 (PDEA-7) ang P20.6 million na halaga ng marijuana mula sa tatlong plantasyon.

Binunot sa unang operasyon sa Brgy. Gaas Balamban Cebu ang aabot sa 11,500 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng aabot sa P4.6 million.

Nagawa namang makatakas sa mga otoridad ang cultivator at subject ng operasyon na si Rodrigo Cabilles.

Samantala, aabot sa 35,000 fully grown marijuana plants ang sinira sa dalawang plantasyon sa Sitio Hikapon Brgy. General Climaco lungsod ng Toledo.

Tinatayang nagkakahalaga naman ito ng aabot sa P16 million.

Nagawa ring makatakas ang cultivator nito na si Enyoy Zabate.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharaping kaso ng mga suspek.