-- Advertisements --

Nilinaw ng Malacañang na initial allocation lamang ang P2.5 billion budget para sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19 habang puspusan ang gobyerno sa paghahanap ng iba pang paraan para ma-secure ang gamot para sa mga Pilipinas.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, panimula lamang ito dahil ang pribadong sektor na may kakayahang magbayad ay aangkat din ng sarili nilang supply na ibebenta.

Ayon kay Sec. Roque, ang mahalaga ay alam na ng gobyerno kung paano makabili ng bakuna sa tulong ng mga government financials institutions gaya ng Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines (DBP).

Una ng nagpahayag ng pagkabahala ang Department of Health (DOH) na kukulangin ang nasabing pondo sa pagbili ng mga bakuna.

“Pagdating sa reservations, nakikiusap tayo sa manufacturers para magkaroon tayo ng alokasyon, kasi ang bibilhin naman natin ay 40 million doses for 20 million poorest of the poor,” ani Sec. Roque.