-- Advertisements --
Screenshot 2020 08 04 10 31 43 92

Inihahanda na ng Bureau Action Team Against Smugglers ng Bureau of Customs (BoC) ang paghahain ng kaso laban sa mga mga nasa likod ng shipment ng mga high end branded bags, sapatos at wallet sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang naturang mga kontrabando na nagkakahalaga ng P15 million ay idineklarang mga “canned goods.”

Ayon sa BoC, pawang mga kilalang mamahaling brands ng bags na Chanel, Hermes, Christian Louboutinl, Valentino, Louis Vuitton, Prada at Balenciaga Bags ang nasabat ng Customs.

Screenshot 2020 08 04 10 31 30 52

Idineklara umano ang naturang mga shipment bilang mga shampoo, sabon, towel at canned goods na inilagay sa 17 karton mula sa Milano, Italy sa pamamagitan ng RRG Freight Service Forwarder.

Ayon sa Customs, layon ng misdeclaration na makaiwas sa mas mahal na duties and taxes o buwis na babayaran sa pamahalaan.

Nadiskubre ang naturang mga produkto sa isinagawang physical examination matapos magduda ang mga tauhan ng BoC sa laman ng nasabing mga shipment.

Ayon sa BoC, malinaw na paglabag ito sa Customs Modernization and Tariff Act.

Hindi na tinukoy ng BoC kung sino ang consignee ng naturang mga misdeclared na produkto.