-- Advertisements --

CEBU CITY – Arestado ang anim na lalaki na nakuhanan ng hinihinalang iligal na shabu na nagkakahalaga ng mahigit P14 milyon sa magkahiwalay na buy bust operation sa Cebu City mula alas-4:00 ng madaling araw hanggang alas-7:00 ng umaga nitong araw ng Sabado.

Naaresto ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Mambaling Police Station ang isang Vincent Ianiel Arnaiz Violanda alyas Ikot, 39, sa Barangay Duljo Fatima na nakumpiskahan ng 1,015 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng halos P7 milyon.

Sa lugar ng Barangay Labangon, naaresto naman ng Regional Police Drug Enforcement Unit (PRDEU-PRO-7) ang isang construction worker at mga kapitbahay nito na may dalang 105 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P714,000.

Kinilala naman ang mga suspek na sina Wilmar Enriquez Dingding, 32; Noel Digor Gilig, 30; at Charles Tudtid Leydon, 24.

Pagsapit ng umaga, naaresto rin ng DEU team si Lyle Gonzales Padilla, 34, sa Barangay Mambaling na nasa kanyang pag-iingat ang 1,010 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P6,868,000 milyon.

Ayon sa pulisya mahaharap ang nasabing mga inbidibidwal sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o RA 9165.